Abraham Damil

Also known as
"Butchoy"
Age
30
Sex
Male
Date
May 5, 2021
Place
Manila, Metro Manila
How they died
Killed by unknown assailants

Naghihinagpis ngayon ang pamilya ng 30-anyos na lalaki matapos siyang pagbabarilin sa Malate, Maynila Miyerkoles.

Nakilala ang biktima na si Abraham Damil, alyas Butchoy.

Sa CCTV ng barangay, makikitang dumaan si Damil sa Tuazon corner San Andres Street lulan ng bisikleta nang siya ay barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki.

Sa imbestigasyon, tila inabangan na siya ng gunman na nakaupo na sa gilid ng kalsada bago pa dumating ang biktima.

Kinumpirma ni Barangay Kagawan Victor Del Rosario ng Barangay 739 na residente doon ang biktima.

Posible umanong may kinalaman sa droga ang pamamarll at ayon din sa report ng Malate police, kasama sa barangay drug watchlist ang biktima dahil sa kaniyang pagtutulak umano ng droga.

Ayon naman sa pamilya ng biktima, may tumawag na kay Damil para balaan siyang huwag nang lumabas ng bahay.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na miyembro ng Commando Gang ang biktima.

Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng kalibre .45 at inaalam pa ang pagkakakilanlan sa gunman na nakaitim na jacket at oulang sombrero.