Margin Tambalo

Ayon kay Barangay Captain Leandro Binuya, nakatambay sa labas ng kanilang bahay ang biktima alas dos ng madaling araw ng bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na lulan ng motorsiklo.

 

MANILA – Patay ang isa umanong runner ng iligal na droga matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay 9, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Margin Tambalo.

Ayon kay Barangay Captain Leandro Binuya, nakatambay sa labas ng kanilang bahay ang biktima alas dos ng madaling araw ng bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Pinagbabaril ng mga salarin ang biktima ng anim na beses bago sila tuluyang tumakas.

Ayon kay Binuya, kilalang runner ng iligal na droga si Tambalo sa barangay.

Read More >