Jojie David

GENERAL SANTOS CITY - Apat na ang napatay matapos umanong lumaban sa ikinasang operasyon ng kapulisan laban sa droga sa General Santos City sa loob lamang ng isang linggo. Ang dalawang nadagdag sa listahan ay ang dalawang suspek sa isinagawang drug buy-bust operation ng Regional Special Investigation and Detection Team o ...

Want create site? Find Free WordPress Themes and plugins.

GENERAL SANTOS CITY – Apat na ang napatay matapos umanong lumaban sa ikinasang operasyon ng kapulisan laban sa droga sa General Santos City sa loob lamang ng isang linggo.

Ang dalawang nadagdag sa listahan ay ang dalawang suspek sa isinagawang drug buy-bust operation ng Regional Special Investigation and Detection Team o RSIDT-12 sa Yumang Street, Barangay San Isidro, nitong lungsod.

Kinilala ang dalawang napatay na sina Allan Malubay alyas “Tata Taba”, 37-anyos at Jojie David 27-anyos, pawang residente ng Barangay San Isidro.

Una umanong nagpaputok si David sa poseur buyer habang si Malubay ay tumangkang tumakas at kumuha ng granada kaya’t binaril.

Narekober sa posisyon ni David ang isang .38 revolver na may dalawang live ammunitions, habang kay Malubay narekober ang isang granada, apat na sachet ng shabu at drug paraphernalia at drug buy-bust money na P500.

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Read More >