Jessie Cule

Tapos pinatay na nga nila, ipapalabas pa sa TV at balita sa dyaryo, notoryus drug pusher at notoryus drug dealer. Mahirap lang kami, saan kami kukuha ng baril na caliber 45?

Want create site? Find Free WordPress Themes and plugins.

Nang bumaba ng sasakyan galing sa trabaho si Marilyn, ang kinakasama ni Jessie Cule ng 7 taon, may sumalubong sa kanya, ang sabi “Si Jess, nasama sa raid, patay na.”

Ilang salita sa pagsanaysay ni Marilyn, live-in partner ni Jess:

Papasok sana ako sa bahay para ma-identify ko kung si Jessie nga, pero sinabi sa akin ng naka plainclothes na pulis, bawal daw pumasok.

Ang ikinasasama ko po ng loob, hindi ako maniniwala na nanlaban kasi isang linggo bago nangyari yong pangpatay, nahulog sya sa trak ng basura. Nagpapagamot po sya, maraming sugat sya, tapos may bali sa may tadyang, pinagamot yan ng kumpanya wala kaming binayaran.

Nalaman ko na lumuhod sya, nagmakaawa, yumakap sa pulis tapos pinatay. Ano kaya ang pakiramdam ng isang tao na papatayin na nagmamakaawa, hindi ba masakit yun?

Tapos pinatay na nga nila, ipapalabas pa sa TV at balita sa dyaryo, notoryus drug pusher at notoryus drug dealer. Mahirap lang kami, saan kami kukuha ng baril na caliber 45?

Sinabi ng mga tao na nakakita, pinosasan sila, tinalian sa may puno ng kahoy. Yun ba ang masasabing nanlaban!?

Pinatay na nga nila yung mga tao na yun minasama pa nila. Hindi naman sila masamang tao.

Sinabi sa akin ng tatay nya, sana sa kahuli-huling sandali Makita nya ang anak nya kasi apat na taon daw nyang hindi nakita. Ako na kinakasama nya nasasaktan, naaawa, lalo na yung ama nya hindi po ba? Napakasakit yun.

Gusto kong mabigyan ang hustisya ang pagkamatay nila dahil hindi po makatarungan.

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Read More >