Jeff Macatunggal

Kwento ng mga residente sa lugar nakikipaglamay lamang ang biktima ng mga oras na nangyari ang krimen. Nadamay pa sa pamamaril ang isang 14 years old na batang babae na naglalaro lamang ng mga oras na iyon pero agad naman itong naisugod sa ospital.

Patay sa pamamaril ang isang lalake sa Barangay 176 Phase 8a Package 8 Bagong Silang Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Jeff Macatunggal 38 years old.

Kwento ng mga residente sa lugar nakikipaglamay lamang ang biktima ng mga oras na nangyari ang krimen.

Nadamay pa sa pamamaril ang isang 14 years old na batang babae na naglalaro lamang ng mga oras na iyon pero agad naman itong naisugod sa ospital.

Tatlong  putok ng baril ang kanilang narinig at nakamaskara din ang suspect.

Ayon pa sa saksi naka angkas ang suspect sa motor, bumaba ito at pumasok sa eskinita, hinanap ang biktima at binaril ito.

Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang suspect sakay ng get-away vehicle.

Tinulungan naman ng ilang residente ang biktima para dalhin sa ospital ngunit agad din itong binawian ng buhay.

Ayon sa ama nitong si Mang Roberto, mabait ang kanyang anak at wala naman itong nakakaaway.

Aniya tanging pagtitinda ng mais at mani lamang ang ikinabubuhay ng biktima.

Sinabi naman ng  purok leader sa nasabing lugar na matagal nang inirereklamo ang biktima dahil sa illegal na gawain nito na may kaugnayan sa droga.

Read More >