Herardo Biliones

"Hindi naman makatao ginawa niya. Kung sakaling nagkaroon ng problema siya sa kapatid ko, sana di naman niya ginanun grabe. Galit na galit siya. Tatlong putok. Talagang sinigurado niyang 'di na mabubuhay," aniya.

Binulabog ng putok ng baril ang Kaliraya Street sa Barangay Tatalon sa Quezon City, Huwebes ng madaling araw.

Isang lalaki kasi na nakatambay lang sa kanto ang pinagbabaril ng hindi pa nakilalang mga sakarin.

Naisugod pa sa ospital ang biktimang si Herardo Biliones pero idineklara itong dead on arrival.

Batay sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police District, nakatayo lang sa kanto ang biktima nang lapitan siya ng dalawang suspek at saka pinagbabaril.

Palaisipan naman sa kaanak ng biktima kung ano ang motibo sa pamamaril, dahil mabait umanong tao si Biliones.

Ayon sa tanod sa lugar, nasa tatlong putok ng baril ang kanilang narinig, habang apat na basyo naman ng hindi pa mabatid na kalibre ang nakuha sa crime scene.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.

Read More >