Eduardo Bociron

Ayon sa Rizal Provincial Police Office, nakatayo lamang malapit sa isang tindahan ang bitkima nang dumating ang suspek at saka ito pinaputukan sa ulo.

Patay makaraang tambangan ang isang lalaki sa Barangay San Andres sa Cainta Rizal.

Nakilala ang nasawi na si Eduardo Bociron, 37 anyos na residente ng Pasig City.

Ayon sa Rizal Provincial Police Office, nakatayo lamang malapit sa isang tindahan ang bitkima nang dumating ang suspek at saka ito pinaputukan sa ulo.

Naglalakad lang na umalis ang hindi nakilalang suspek.

Dinala pa sa Mission Hospital sa Pasig City ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Nabatid na isang dating tulak ng droga so Bociron at kalalaya lamang sa bilangguan makaraang makapagpiyansa sa kasong illegal na droga.

Read More >