Aries Villanueva

Ayon sa kapatid ng biktima na si Joel Villanueva, naka-tambay lamang ang kanyang kapatid nang biglang pagbabarilin ng mga armadong suspect. Batay sa kuha sa CCTV, limang lalaki na naka-‘face mask’ ang pumasok sa compound ang hinihinalang pumatay kay Villanueva. Naglakad lang umano palabas na parang walang mangyari ang mga suspect matapos ang ...

Ayon sa kapatid ng biktima na si Joel Villanueva, naka-tambay lamang ang kanyang kapatid nang biglang pagbabarilin ng mga armadong suspect. Batay sa kuha sa CCTV, limang lalaki na naka-‘face mask’ ang pumasok sa compound ang hinihinalang pumatay kay Villanueva.

Naglakad lang umano palabas na parang walang mangyari ang mga suspect matapos ang pamamaril.

Ayon kay Joel, aminado siyang dating drug-user ang kanyang kapatid, pero tumigil na umano ito sa paggamit ng droga. Linggo-linggo rin umanong sumasali sa pagsasayaw ng Zumba ang biktima, at wala naman umano itong kaaway sa kanilang lugar. Una na umanong sumuko sa Oplan Tokhang si Aries.

Read More >