Alyas “Tarat”

Patay ang isang drug suspek matapos mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa Macapagal Boulevard, Barangay Tambo, Parañaque City, Biyernes ng madaling araw. Ayon kay Police Senior Superintendent Leon Victor Rosete, dalawang pulis ang nakipagtransaksiyon sa suspek na kinilala lamang sa alyas na "Tarat," at kasamahan nitong sakay ng motorsiklo. Nang makatunog ...

Patay ang isang drug suspek matapos mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa Macapagal Boulevard, Barangay Tambo, Parañaque City, Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Police Senior Superintendent Leon Victor Rosete, dalawang pulis ang nakipagtransaksiyon sa suspek na kinilala lamang sa alyas na “Tarat,” at kasamahan nitong sakay ng motorsiklo.

Nang makatunog na pulis ang kanilang katransaksiyon, nagpaputok ng baril si Tarat habang pinaharurot naman ng kasama nito ang motorsiklo at agad na tumakas.

Matagal nang minamanmanan ang suspek na isa umanong notoryus na tulak ng droga.

Read More >