Alfie Fernandez

Patay ang isang hinihinalang hitman na nakatira sa Brgy. 29, Maypajo, Caloocan City, matapos na manlaban sa mga pulis na nagresponde sa lugar. Si Fernandez ay number 2 most wanted personality sa buong CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) dahil sa pagtutulak ng bawal na gamot at pagiging gun for hire. May pending ...

Patay ang isang hinihinalang hitman na nakatira sa Brgy. 29, Maypajo, Caloocan City, matapos na manlaban sa mga pulis na nagresponde sa lugar.

Si Fernandez ay number 2 most wanted personality sa buong CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) dahil sa pagtutulak ng bawal na gamot at pagiging gun for hire. May pending warrant of arrest din na pinalabas si Hon. Jansen R. Rodrigues ng Branch 6 ng Manila RTC laban kay Fernandez para sa kasong murder, at mayroon ring mula sa Caloocan RTC.

Lumalabas sa imbestisgasyon na isang tip ang nakuha ng Caloocan police na nasa Maypajo ang suspek, agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar, pero nanlaban umano ang suspek na si Alfie Fernandez.

Read More >