Aldrin Castillo

"Puro nanlaban, nanlaban. Ibig sabihin lahat ng adik ngayon may baril na? Eh di naging 'wild, wild, west na tayo. Barilan na lang nang barilan," hinanakit ng ina ng biktima na si Nanette Castillo. "Ito sinasabi ko, nanay ako, bakit ganu'n? Bakit ganu'n, patay kaagad? Bakit yung mga pu¬_ _ _ ...

“Puro nanlaban, nanlaban. Ibig sabihin lahat ng adik ngayon may baril na? Eh di naging ‘wild, wild, west na tayo. Barilan na lang nang barilan,” hinanakit ng ina ng biktima na si Nanette Castillo.

“Ito sinasabi ko, nanay ako, bakit ganu’n? Bakit ganu’n, patay kaagad? Bakit yung mga pu¬_ _ _ _ ng mayayaman na ‘yan, hindi pinapatay?” patuloy niya.

Relatives of Aldrin Castillo

Inikut-ikutan pa umano ng anim na salarin na nakasakay sa tatlong motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin na dahilan ng kaniyang agad na pagkamatay.

Aminado ang ina ni Castillo na gumagamit dati ng droga ang anak pero matagal na raw itong tumigil.

Tanong pa ng ginang para kay Pangulong Rodrigo Duterte; “Bakit pag mahihirap patay na agad? Duterte pakinggan mo itong sinasabi ko! Bakit pati mga Chinese na nagpapasok ng droga rito, VIP turing niyo? Bakit ‘pag mahihirap patay agad? Wala pa kayong ebidensya.”

Read More >